'PRAY, PRAY, PRAY NA LANG TAYO'
Ito ang panawagan ni Isabela Gov. Rodolfo Albano III kaugnay ng parating na Bagyong
#UwanPH na pinangangambahan ding maging isang super typhoon.
Sa pinakabagong abiso ng PAG-ASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa southern portion ng Isabela o northern portion ng Aurora sa Linggo, Nov. 9.
"Wala naman tayong magagawa kasi talagang papunta 'yang bagyong 'yan, wala namang makakahinto d'yan kundi ang Diyos," saad ni Albano.
"Hindi puwedeng [we will] build a Noah's ark there, parang isasakay ko lahat," dagdag pa niya.